1. Guro, bagyo’y nagngangalit!Mga alo’y kaytaas!Ang langit wala nang liwanag,Kanlungan ay nasaan?Buhay nami’y nanganganib,Pa’nong nahihimbing?May banta na sa ’lalim ng dagatKami ay malilibing!
Hangi’t alon sa Inyo’y susunod:Pumayapa.Kahit unos ng karagatanO d’yablo o tao o anupaman,’Di lulubog ang barkong may lulanSa Panginoon ng sanlibutan.Lahat sa Inyo ay susunod:Pumayapa; pumayapa.Lahat sa Inyo ay susunod:Pumayapa.
2. Guro, may hapis sa puso,Ako ay nalulumbay.Dibdib ay lubhang may ligalig,Saklolo N’yo’y ibigay!Daloy ng sala at takotSa ’ki’y bumabalot,At ako’y nalulunod!O Guro, Pawiin N’yo ang salot!
Hangi’t alon sa Inyo’y susunod:Pumayapa.Kahit unos ng karagatanO d’yablo o tao o anupaman,’Di lulubog ang barkong may lulanSa Panginoon ng sanlibutan.Lahat sa Inyo ay susunod:Pumayapa; pumayapa.Lahat sa Inyo ay susunod:Pumayapa.
3. Guro, pangamba’y wala na,Bagyo ay humupa na.Payapa ang tubig sa lawa,At puso’y anong sigla.Nawa Kayo’y manatili,H’wag nang lumisan pa,Maligayang pampang sa sapit,Doo’y magpapahinga.
Hangi’t alon sa Inyo’y susunod:Pumayapa.Kahit unos ng karagatanO d’yablo o tao o anupaman,’Di lulubog ang barkong may lulanSa Panginoon ng sanlibutan.Lahat sa Inyo ay susunod:Pumayapa; pumayapa.Lahat sa Inyo ay susunod:Pumayapa.
Titik: Mary Ann Baker, ca. 1874
Himig: H. R. Palmer, 1834–1907