Auto-scroll is most reliable with MIDI (computer-generated) audio.
Practice
Loading…
Ang Panginoon Ay Pastol Kong Tunay
1. Ang Panginoon ay pastol kong tunay,Bawat kong kailangan ay Kanyang alay:Sariwang pastulan, tubig na dalisay.Kapag nawawalay, S’ya ang patnubay;Kapag nawawalay, S’ya ang patnubay.
2. Kahit na saang dako sa kadiliman,Dahil sa paglingap, ako’y panatag.Ililigtas t’wina ng aking tanggulan;’Di mapapahamak sa Inyong piling,’Di mapapahamak sa Inyong piling.
3. Sa aking dalamhati ay may ginhawa.Sa Inyong kalinga, biyaya’y puspos.Ako ay hinirang, sa’ko’y nagtiwala;Sa Inyo’y wala nang mahihiling pa,Sa Inyo’y wala nang mahihiling pa.
Titik: James Montgomery, 1771–1854; ibinatay sa Mga Awit 23