Number 88
Tulad ng Hamog na Nagmula sa Langit
Tulad ng Hamog na Nagmula sa Langit
1. Tulad ng hamog na nagmula sa langit,Sa damo’y dumadapong dahan-dahan,At sa damo ito’y nagbibigay-buhayUpang masunod ang Inyong kalooban.
2. O Panginoon, ang Inyong ebanghelyo,Ipagkaloob mula kalangitan,Upang sa pagbasbas N’yo’y makatulong naGawain ng pag-ibig ay magampanan.
3. O Panginoon, masdan kaming nagtipon,Ang mga pangako N’yo sana’y tupdin,At galing sa langit, ang mga biyayaAy Inyo sanang hayaang mapasa’min.
4. Ang aming dalangin sana ay pakinggan,Ang Espiritu sa ’mi’y ibahagi,Nang ang buong madla sa Inyo’y magpugayAt maligayang maghayag at magpuri.
Titik: Thomas Kelly, 1769–1854
Himig: Joseph J. Daynes, 1851–1920