Number 89
O Kaylugod na Gawain
O Kaylugod na Gawain
1. O kaylugod na gawain,O Diyos, Kayo’y pupurihin,Pagibig N’yo’y a awitin,Ang totoo’y aalamin.
2. O kaylugod na pangilinAng pangamba’y ’di daramhin.Puso ko sana’y kahimig,Banal na alpa ni David
3. Sa Diyos puso’y may tagumapy,Wika’t gawa’y anong husay.Biyaya N’yo ay kayringal!Payo N’yo ay sakdal banal!
4. Ngunit bawat kong tagumpayAy sa inyo iaalay,Sa araw na Kayo’y masdanAt sa piling N’yo manahan!
5. Kasalanang hadlang noon,’Di na gagambala ngayon.Dadaigin ang kahinaan,Lulupigin, kasamaan.
6. At akin ding makakamtanDoon ang pinakaasam,Kapangyarihang kaytamisSa walang hanggan N’yong langit.
Titik: Isaac Watts, 1647–1748
Himig: John J. McClellan, 1874–1925