Number 96
Manatili sa ’King Tabi
Manatili sa ’King Tabi
1. Manatili sa ’king tabi’Pagkat gumagabi:Anino ng takipsilimAng s’yang nalalabi.Sa puso ko at tahanan,Maging panauhin.
Panginoon, gumagabi:Nawa’y manatili;Panginoon, manatili:Masdan, gumagabi.
2. Manatili sa ’king tabiAking Panginoon;Paglalakbay sa piling N’yoSa puso ko’y tugon.Ligaya ng aking buhayAng wika N’yo’t tinig.
Panginoon, gumagabi:Nawa’y manatili;Panginoon, manatili:Masdan, gumagabi.
3. Manatili sa ’king tabi,Gabi ay may lumbay;Kung ’di Kayo makaniig,Mapanglaw ang buhay,Nangangambang sa tahananKarimla’y lalagi.
Panginoon, gumagabi:Nawa’y manatili;Panginoon, manatili:Masdan, gumagabi.
Titik: Lowrie M. Hofford
Himig: Harrison Millard, 1830–1895