Number 101
Ama Namin, Kami’y Dinggin
Ama Namin, Kami’y Dinggin
1. Ama namin, kami’y dinggin,
At ngayon ay pagpalain.
Sa pagtanggap ng sagisag,
Dama ang kay Cristong pagliyag.
2. Ang Espiritu’y isugo,
Sang-ayunan ang pagsamo.
Sa pagtanggap ng tinapay,
Nawa’y kalugdan, aming alay.
3. Sa ’ming pag-inom ng tubig,
Igawad, Inyong pag-ibig.
Mga sala’y patawarin,
Pagsisikap nami’y tanggapin.
Titik: Annie Pinnock Malin, 1863–1935
Himig: Louis M. Gottschalk, 1829–1869; ina. ni Edwin P. Parker, 1836–1925