Number 105
Awit ang Papuri sa Pag-ibig
Awit ang Papuri sa Pag-ibig
1. Awit ang papuri sa pag-ibigNi Cristo na nilisan ang langit.Ayon sa plano, mundo’y tinungoAt nagdusa para sa tao.
2. Kay-inam magkita t’wing pangilin,At sa paraang ’tinakda sa ’tin,Mga sagisag N’ya ay tanggapin,Pananalig ay pagtibayin.
3. O sagradong oras ng pag-ibig!Ang magkakaibigan, magniniig.Kanyang biyaya’y ginugunita,Sa papuri’y nagkakaisa.
4. Pagkat si Cristo, d’on sa Kalbaryo,Pumanaw upang tubusin tayo.Hosana’y awitin sa ngalan N’ya,Purihin ang Kanyang pagsinta.
Titik: George Manwaring, 1854–1889
Himig: Frank W. Asper, 1892–1973. © 1948 IRI