Auto-scroll is most reliable with MIDI (computer-generated) audio.
Practice
Loading…
Mapitagan at Aba
1. Mapitagan at aba,Ulo mo ay iyuko na.Ako ay gunitain,At ang aking gawain.Pagbuhos ng aking dugo,Pawis ng pagdurusa ko,Sa aking pagkapako,Ikaw ay tinubos ko.
2. Sa tinapay na ito,Sagisag ng katawan ko,Sa tubig, isipin moAng sagrado kong dugo.Tandaan mo ang ginawaNang maligtas ang may sala.Do’n sa krus sa KalbaryoNamatay para sa ’yo.
3. Puso mo’y payapain,Kapwa mo ay ’yong mahalin.Magpatawad sa kapwaUpang mapatawad ka.Sa iyong panalangin,Pangamba’y isambit sa ’kin.At aking Espiritu,Bibiyaya sa iyo.
4. Sa langit, sumasamo,Namamagitan sa inyo.Minahal kitang tunay,Walang hangga’t dalisay.Ako ay lagi mong sundin,Mag-ingat ka’t manalangin;Sa ’kin ay maging tapatNang ikaw ay maligtas.