Number 110
Dahil Tayo’y Mahal ng Diyos
Dahil Tayo’y Mahal ng Diyos
1. Dahil tayo’y mahal ng Diyos,Sa ’ti’y sinugo si Jesus.Upang sa ’ti’y ipakita,Landas patungo sa Ama.
2. Kahit S’ya’y Diyos, naging mortal;Nagdusa kahit S’ya’y banal.Yumao S’yang walang salaUpang tayo’y maligtas N’ya.
3. O sagradong pagmamahal,Pasasalamat ko’y sakdal.Ako’y kabilang sa alay,At sa puso N’ya’y may puwang.
4. Wika’t gawa’y Kanyang naisNa sa Kanya ay iparis.Ako’y tutulad sa KanyaAt susundin ang aral N’ya.
5. Sagisag ang sakramentoNg katawan N’ya at dugo.Sa pagtanggap, pangako ko,Panginoo’y nasa puso.
Titik: Edward P. Kimball, 1882–1937
Himig: Alexander Schreiner, 1901–1987. © 1948 IRI