Number 112
Bilang Paggunita kay Cristo
Bilang Paggunita kay Cristo
1. Bilang gunita kay Cristo,
Ama, kami’y nagpupulong.
Inyo sanang Espiritu,
Igawad sa aming puso.
2. Si Cristo sa Getsemani,
Pagdurusa ang dinanas;
Sa Kalbaryo ng pighati,
Sa krus S’ya ay itinaas.
3. Kagalang-galang, sagrado
Ang tubig at ang tinapay,
Alay N’yo’y katawa’t dugo,
Pantubos sa aming buhay.
4. Ama, sakramento nawa’y
Magpabanal sa kalul’wa
Ng tatanggap ng sagisag,
Kapiling ni Cristo t’wina.
Titik: Frank I. Kooyman, 1880–1963. © 1948 IRI
Himig: Alexander Schreiner, 1901–1987. © 1948 IRI