Number 116
Dakilang Karunungan at Pagibig
Dakilang Karunungan at Pagibig
1. Dakilang karunungan at pag-ibig,Sa kalangita’y naghariAt ’sinugo ang TagapagligtasUpang magdusa’t masawi.
2. Ibinuhos N’ya ang sariling dugo,Buhay N’ya ay isinuko:Ang walang salang alay sa taoUpang iligtas ang mundo.
3. Si Jesucristo ang S’yang nagtagumpaySa dakila N’yang pagsunod.“Nais N’yo, O Diyos, ang tutupdin ko,”Buong buhay S’yang naglingkod.
4. Namuno S’ya at landas ay ’tinuro,Lahat ng bagay ay tungoSa liwanag at kawalang-hangganDoon sa l’walhati ng Diyos.
5. Bilang alaala ng Kanyang laman,Tinapay ay tinatanggap.Tubig ay saksi na sa ’ting pusoTiwala kay Cristo’y ganap.
6. Dakila, mal’walhati’t sadyang ganap:Hangaring tayo’y matubos.Pag-ibig, awa at katarunganAy nagtutugma nang lubos.
Titik: Eliza R. Snow, 1804–1887
Himig: Thomas McIntyre, 1833–1914