Auto-scroll is most reliable with MIDI (computer-generated) audio.
Practice
Loading…
Munting Bayan ng Betlehem
1. Munting bayan ng Betlehem,Payapa’t mahimbing,Habang ika’y umiidlip,Tala’y nagniningning.’Sinilang ang liwanagSa ’yong kadiliman.Ang pag-asa at pangambaNgayo’y makakamtan.
2. Si Cristo ay isinilang,At sa kalangitan,Tumatanod mga anghelUpang S’ya’y bantayan.O tala ng umaga,Balita’y itanghal,Purihin n’yo ang Haring DiyosNating minamahal.
3. Kay tahimik na inalayAng dakilang handog!Biyaya ng kalangitan,Diyos ang nagkaloob.Sa daigdig ng sala,’Di man S’ya tanggapin,Sa pusong mapagkumbabaSi Cristo’y darating.