Number 130
Sa Kapatagan, sa May Judea
Sa Kapatagan, sa May Judea
1. Sa kapatagan sa may Judea,
Mga pastol may natanggap na balita.
L’walhati sa ating Ama,
L’walhati sa kaitaasan;
Mundo ay pumayapa,
Kabutihan sa madla!
2. Kay tamis na awit ng pag-ibig,
Ang pahayag ng awa mula sa langit:
L’walhati sa ating Ama,
L’walhati sa kaitaasan;
Mundo ay pumayapa,
Kabutihan sa madla!
3. Panginoon, kami ri’y aawit
Na kasama ang mga anghel sa langit:
L’walhati sa ating Ama,
L’walhati sa kaitaasan;
Mundo ay pumayapa,
Kabutihan sa madla!
4. Madaliin, panahong darating
Na ang buong mundo’y may isang awitin:
L’walhati sa ating Ama,
L’walhati sa kaitaasan;
Mundo ay pumayapa,
Kabutihan sa madla!
Titik at himig: John Menzies Macfarlane, 1833–1892: