1. Ang mga alagang tupa,\nNasa puso ng Pastol;\nPag-ibig na Kanyang alay,\nAy higit pa sa ginto.\nAng “ibang” tupang nawalay\nAy mahal din ng Pastol;\nSaanmang bundok o dagat\nAy hahanapin sila.\n\n[Chorus]\nMga nawalay na tupa,\nHanap nila’y kalinga;\nMabilis S’yang sasaklolo,\nSa kawan dinadala.\n\n2. Ang mga alagang tupa,\nNasa puso ng Pastol;\nNgunit may napariwara\nAt sila’y nagdurusa.\nMasdan, sila’y hinahanap,\nHinahanap ng Pastol;\nKaysayang ’binabalik N’ya,\nBawat tupang makita.\n\n[Chorus]\nMga nawalay na tupa,\nHanap nila’y kalinga;\nMabilis S’yang sasaklolo,\nSa kawan dinadala.\n\n3. Ang “s’yamnapu’t s’yam na tupa,”\nNasa puso ng pastol;\nAt ang mga nawawalay\nKanyang hinahanap din.\nSa ’tin S’ya ay tumatawag,\nDinggin, tinig ng Pastol,\n“Tupang sa aki’y nawalay,\nSana’y inyong hanapin.”\n\n[Chorus]\nMga nawalay na tupa,\nHanap nila’y kalinga;\nMabilis S’yang sasaklolo,\nSa kawan dinadala.\n\n4. Pastulan ay may halina,\nAng tubig ay kaytamis.\nPanginoon, tugon namin,\n“Opo, Kayo’y susundin!\nBilang pastol ay tutulong;\nPagmamahal ay nais.\nMga tupang nawawalay\nAy aming hahanapin.”\n\n[Chorus]\nMga nawalay na tupa,\nHanap nila’y kalinga;\nKami’y agad sasaklolo\nAt tutulungan sila.\n