Number 140
Liwanag ay Ibahagi Mo
Liwanag ay Ibahagi Mo
1. Sa mundong ito na
May kalungkutan,
Ang nahahapis ay
Matatagpuan,
Ginhawa’t ligaya,
’Yong maibibigay,
Kung laging liwanag
Ang iaalay.
Liwanag ay ibahagi mo.
Magbigay-biyaya
Sa bawat tao.
Liwanag ay ibahagi mo.
Magbigay-biyaya
Sa bawat tao.
2. Kaylaking tulong ng
Munting pagkilos
Sa nangangailangan,
Biyayang lubos.
Dusa’t pighati ay
’Yong mapapawi,
Kung awa’t pag-ibig,
Alay mong lagi.
Liwanag ay ibahagi mo.
Magbigay-biyaya
Sa bawat tao.
Liwanag ay ibahagi mo.
Magbigay-biyaya
Sa bawat tao.
3. Kung may kalungkutan
Ay umawit ka,
Hinagpis ay laging
Harapin t’wina.
Tapang at tiwala,
Pairalin mo,
Magbigay-ligaya
Kahit sa’ng dako.
Liwanag ay ibahagi mo.
Magbigay-biyaya
Sa bawat tao.
Liwanag ay ibahagi mo.
Magbigay-biyaya
Sa bawat tao.
Titik: Lanta Wilson Smith
Himig: Edwin O. Excell, 1851–1921