Number 141
May Liwanag sa ’King Kaluluwa
May Liwanag sa ’King Kaluluwa
1. May liwanag sa ’king kalul’wa,Tila sinag ng araw;Kay Jesus tanging nagmumula,Ningning na dalisay.
May liwanag, may liwanagT’wing ako’y payapa’t masaya.T’wing si Jesus ay kasama,May ningning sa kalul’wa.
2. May awitin sa ’king kalul’wa,Alay sa aking Hari;At si Cristong Diyos, Kanyang dinig,Tahimik kong himig.
May liwanag, may liwanagT’wing ako’y payapa’t masaya.T’wing si Jesus ay kasama,May ningning sa kalul’wa.
3. Tagsibol na sa ’king kalul’wa,T’wing kapiling ko ang Diyos;May kapayapaan sa puso,Biyaya N’ya’y lubos.
May liwanag, may liwanagT’wing ako’y payapa’t masaya.T’wing si Jesus ay kasama,May ningning sa kalul’wa.
4. May galak sa aking kalul’wa,Pagpupuri’t pag-ibig,Sa biyayang aking nakamitAt pag-asang langit.
May liwanag, may liwanagT’wing ako’y payapa’t masaya.T’wing si Jesus ay kasama,May ningning sa kalul’wa.
Titik: Eliza E. Hewitt, 1851–1920
Himig: John R. Sweney, 1837–1899