Auto-scroll is most reliable with MIDI (computer-generated) audio.
Practice
Loading…
Tayo Nang Mag-usap Nang Marahan
1. Tayo nang mag-usap nang marahanSa bahay o kahit saan;Gaya ng mga ibon sa puno,Kay inam nitong pakinggan.Pusong may lumbay liligaya,Dulot ay tapang at sigla.At kung ulap ay makulimlim,Pag-ibig ay paratingin.
Marahang salita ay nagpapasaya,Liwanag ang laging dala.Tayo nang mag-usap nang marahan,Kay-inam nitong pakinggan.
2. Gaya ng pagsapit ng umaga,Diwa’y gigising sasaya;Ang bulong ng bukal na maaya,Indayog n’ya ay kayganda.Kaya’t marahang pag-usapanAng ating pagkakaibigan,Nang puso sa puso’y magdiwangBilang tunay na kaibigan.
Marahang salita ay nagpapasaya,Liwanag ang laging dala.Tayo nang mag-usap nang marahan,Kay-inam nitong pakinggan.