Number 164
Panginoon, Kayo’y Laging Susundin
Panginoon, Kayo’y Laging Susundin
1. Diyos, nawa Kayo’y ibigin,Sundan ang Inyong landas.Aking kapwa ay tulunganSa gawad Ninyong lakas.O, aking Panginoon,Kayo’y laging susundin.
2. Kapwa ko’y ba’t hahatulanKung may sala rin ako?May lumbay na ’di makita,Nakakubli sa puso.O, aking Panginoon,Kayo’y laging susundin.
3. Kapatid ko’y iingatanAt magbibigay-lakas.Sa nalulumbay kong kapwa,Ang hatid ko ay lunas.O, aking Panginoon,Kayo’y laging susundin.
4. Kapatid nawa’y ibiginGaya ng pag-ibig N’yo.Ang lakas Ninyo’t patnubay,Laging aasahan ko.O, aking Panginoon,Kayo’y laging susundin.
Titik: Susan Evans McCloud, p. 1945. © 1985 IRI
Himig: K. Newell Dayley, p. 1939. © 1985 IRI