Number 165
O, Makinig, Lahat ng Bansa!
O, Makinig, Lahat ng Bansa!
1. O, makinig, lahat ng bansa!
Tinig ng langit, nagbabadya!
Ang katotohanan ay muling
Naipanumbalik!
L’walhati sa kaitaasan,
Liwanag ng katotohanan!
Gaya ng araw, sinag nito
Ang s’yang tanglaw dito.
2. Mga bansang nasa karimlan,
Ang liwanag ay inaasam.
Lahat ngayo’y magsipagdiwang
Sa katotohanan!
L’walhati sa kaitaasan,
Liwanag ng katotohanan!
Gaya ng araw, sinag nito
Ang s’yang tanglaw dito.
3. Hinirang ng Diyos na magsilbi,
Ebanghelyo’y ibabahagi.
Itanghal ang katotohanan
Sa sangkatauhan.
L’walhati sa kaitaasan,
Liwanag ng katotohanan!
Gaya ng araw, sinag nito
Ang s’yang tanglaw dito.
Titik: Ibinatay sa tekstong Aleman ni Louis F. Mönch, 1847–1916. © 1985 IRI
Himig: George F. Root, 1820–1895