Number 170
Jehova na Panginoon ng Langit at Lupa
Jehova na Panginoon ng Langit at Lupa
1. Jehova na Panginoon
Ng langit at lupa,
Sa bawat dako’y ihayag
Ang Inyong salita;
Sa bawat dako’y ihayag
Ang Inyong salita.
2. Simbahan N’yo’t kaharian
Ay umunlad nawa,
Nang ang mundo’y maging langit
At payapa t’wina;
Nang ang mundo’y maging langit
At payapa t’wina.
3. Isulong ang gawain N’yo!
Bawat bansa’y dalhin
Nang sa Inyong kaharian
Kayo ay sambahin;
Nang sa Inyong kaharian
Kayo ay sambahin.
4. Ang tinig ng bawat tao’y
Sabayang aawit,
At ang himig ng papuri,
Dinig hanggang langit;
At ang himig ng papuri,
Dinig hanggang langit.
Titik: Di-kil.
Himig: Oliver Holden, 1765–1844