Auto-scroll is most reliable with MIDI (computer-generated) audio.
Practice
Loading…
Tutungo Ako Saanman
1. Marahil ‘di sa kabundukanO dagat na may unos,Marahil ay ‘di sa digmaanAko kailangan ng Diyos.Ngunit kung ako’y tawaginN’ya Sa ‘di kilalang landas,Tugon ko sa Diyos nang buong puso:Saan man ako’y tutungo.
Tutungo ako saan man, O Diyos,Sa kabundukan man o dagat;Bibigkasin ko ang Inyong nais,Susundin ang Inyong utos.
2. Marahil may nais si JesusNa dapat sabihin ko;Marahil mayro’ng nagkasalaNa dapat hanapin ko.O Diyos, kung Kayo’y patnubay ko,Mahirap man ang landas,Tinig ko’y alinsunod sa Inyo:Nais N’yo’y bibigkasin ko.
Tutungo ako saan man, O Diyos,Sa kabundukan man o dagat;Bibigkasin ko ang Inyong nais,Susundin ang Inyong utos.
3. Sa daigdig ay mayro’ng pookNa dapat tunguhin ko,Kung sa’n ako ay maglilingkodPara kay Jesucristo.Tiwala’y lubos sa PanginoonNa iniibig ako, Tapat ang puso na magsisikap:Susundin ko ang utos N’yo.
Tutungo ako saan man, O Diyos,Sa kabundukan man o dagat;Bibigkasin ko ang Inyong nais,Susundin ang Inyong utos.