1. Do’n sa aming Deseret, ’Sang lugar na kay ganda,\nAng mga Banal doo’y nagkikita.\nMatapang, mapagbigay, At nagsisilbing gabay;\nEbanghelyo ay bahagi ng buhay.\n\n[Chorus]\nMga bata’y umaawit Tinig ay anong tamis,\nParang anghel sa langit Na puso’y may pag-ibig,\nKay sayang bawat isa’y nagniniig.\n\n2. Upang buhay, magtagal Katawa’y minamahal,\nTsa, kape at ang tabako ay bawal,\nAlak ’di pinapansin, Karne ay minsan lang din;\nHangari’y katalinuhan at galing.\n\n[Chorus]\nMga bata’y umaawit Tinig ay anong tamis,\nParang anghel sa langit Na puso’y may pag-ibig,\nKay sayang bawat isa’y nagniniig.\n\n3. Bata pa’y turuan na Ng wika na kay ganda,\nGalit at kasamaan ay sugpuin;\nDapat ay magalang din, At ang kapwa’y mahalin,\nMabait kahit saan makarating.\n\n[Chorus]\nMga bata’y umaawit Tinig ay anong tamis,\nParang anghel sa langit Na puso’y may pag-ibig,\nKay sayang bawat isa’y nagniniig.\n\n4. Manalangin sa t’wina, Sa gabi at umaga,\nNang ang Diyos ang magtanggol sa kanila,\nAt sila’y turuan din Na ang tama ay gawin,\nMahalin ang Diyos at utos N’ya’y sundin.\n\n[Chorus]\nMga bata’y umaawit Tinig ay anong tamis,\nParang anghel sa langit Na puso’y may pag- ibig,\nKay sayang bawat isa’y nagniniig.\n