Number 197
Bilang Magkakapatid sa Sion (Kababaihan)
Bilang Magkakapatid sa Sion (Kababaihan)
1. Bilang mga magkakapatid sa Sion,
Tayong mga babae’y tulong-tulong.
Basbas ng Diyos sa ’ting gawain ang hanap,
Handog ay ginhawa sa naghihirap.
2. Sa kababaihan ’pinagkatiwala,
Dakilang gawain ng mga anghel.
Ligaya’t biyaya’y hatid sa’ting kapwa,
Sa sangkatauhan ay kawanggawa.
3. Layuni’y kay lawak, hangari’y kay rami,
Kung tutuparin sa diwa at gawa.
Tanging sa tulong ng Epiritu Santo
May karunungan at tagumpay tayo.
Titik: Emily H. Woodmansee, 1836–1906
Himig: Janice Kapp Perry, p. 1938. © 1985 IRI