1. Isang taong manlalakbay
Na laging nakikita ko,
Ang sa ’kin ay nagsumamo
At s’ya’y ’di ko matanggihan.
Ngalan n’ya’y ’di ko maitanong,
Sa’n nagmula, sa’n tutungo,
Ngunit nang s’ya’y titigan ko,
Napukaw ang aking puso.
2. Minsan, nang hain ko’y munti,
Dumulog s’yang walang imik;
Hapo sa labis n’yang gutom,
Lahat sa kanya’y hinandog.
Ito’y kanyang binasbasan,
Ako’y kanya ring binigyan;
At habang kinakain na,
Mistulang manna ang lasa.
3. Sa batis s’ya’y nasumpungan,
Lubusan ang panghihina.
Ang tubig ay nangungutya
Habang kan’yang minamasdan.
S’ya’y ’tinayo’t pinainom
Tatlong ulit sa ’king tasa,
Umaapaw n’yang binalik
Ako’y ’di na nauhaw pa.
4. Minsan, hangi’y nagngangalit;
Gabi na’t mayro’n pang unos;
Tinig n’ya’y aking narinig,
S’ya’y pinapasok kong lubos.
Binihisan s’ya’t inalo,
Higaan pa’y inalay ko.
At sa sahig man nahimbing,
Ako’y tila nasa Eden.
5. Walang malay s’ya’t sugatan,
Sa lansangan natagpuan.
S’ya’y dagli kong tinulungan
At panlunas s’ya’y binigyan;
S’ya ay agad ding gumaling,
Ako’y may kubling sugat din.
Ngunit doon ’di’y nawala
At puso ko’y pumayapa.
6. Sa piitan s’ya’y naratngan,
May hatol ng kamatayan.
Bawat pagkutya’y tiniis
Upang s’ya ay makapiling.
S’ya sa ’kin ay may hiniling—
Hatol n’ya’y aking angkinin.
Nanlalamig s’yang tiningnan,
At Oo! ang s’yang tinuran.
7. Bigla sa aking paningin,
Nagbago ang kanyang anyo;
Sa sugat ng kanyang kamay,
Natanto kong s’ya si Cristo.
Sinabi N’ya, Dahil ako
Ay hindi mo kinahiya,
H’wag kang matakot, ang lahat
Ay sa akin din ginawa.
Titik: James Montgomery, 1771–1854
Himig: George Coles, 1792–1858, bin.
Himnong pinakamamahal ng Propetang Joseph Smith. Tingnan sa History of the Church, 6:614–15