1. Kaygandang Sion, sa langit, Lungsod na ’king iniibig;
Lagusang sakdal sa ganda, Sa templo’y Diyos, liwanag n’ya.
S’yang pinaslang sa Kalbaryo, Sa ’ki’y buksan, pinto nito.
Sion, Sion, aking Sion; Kaygandang Sion;
Sion na lungsod ng Diyos!
2. Kaygandang langit, kay ning-ning; Mga anghel, nakaputi;
Mga awit, walang patid; Himig ng alpa ay batid.
Sa pagawit ay sasali, At aawit ng papuri.
Sion, Sion, aking Sion; Kaygandang Sion;
Sion na lungsod ng Diyos!
3. Kaygandang koronang taglay, Sagisag ng pagtagumpay;
Naro’y kaygagandang tao, Mga tinubos ni Cristo.
Do’n ko lamang makakamtan, Ang ginhawang walang hanggan.
Sion, Sion, aking Sion; Kaygandang Sion;
Sion na lungsod ng Diyos!
Titik: George Gill, 1820–1880
Himig: Joseph G. Fones, 1828–1906