1. Saligang kaytibay, mga Banal ng Diyos,
Bunga ng inyong pananalig nang lubos.
Ipinabatid na N’ya ang lahat ng bagay
Sa inyo na umaasa, sa inyo na umaasa,
Sa Kanya’y ligtas at ’di na mawawalay.
2. Maging malusog man o may karamdaman,
Kahit magipit o may kasaganahan.
Sa ibayong dagat man o sa ’ting tahanan,
Sa t’wing may pangangailangan, sa t’wing may pangangailangan,
Ayon sa pangangailangan ang s’yang laan.
3. Ako’y kapiling, kung kaya’t h’wag mangamba,
Ako’y inyong Diyos na tutulong sa t’wina.
Itataguyod at lakas ay iaalay,
Kamay ko ang inyong gabay, kamay ko ang inyong gabay,
Kamay ko ang s’yang sa inyo’y maggagabay.
4. Ikaw ma’y isugo ko sa ibang bayan,
’Di ka maigugupo ng kalungkutan.
’Pagkat ako ay kapiling ninyo sa t’wina.
Sa pighati’y ililigtas, sa pighati’y ililigtas,
Sa pighati’t dusa’y ililigtas kita.
5. Apoy ng pagsubok man ay maranasan,
Awa kong sapat ang lagi mong asahan.
’Di ko asam na ika’y mapaso’t masaktan,
Kahinaa’y papawiin, kahinaa’y papawiin,
At lilinangin ang iyong kalooban.
6. Hanggang pagtanda ay mapatutunayan,
Na pag-ibig ko sa inyo’y walang hanggan.
Puti mang buhok ang sa ulo’y mamamasdan,
Katulad ng mga tupa, katulad ng mga tupa,
Aking pagyakap, inyong maaasahan.
7. Ang kaluluwang kay Jesus nagtiwala,
Kahit kailanman ay ’di ko itatatwa.
Pilitin mang s’ya’y yanigin ng kadiliman,
Hinding-hindi magagawa, hinding hindi magagawa,
’Di magagawang talikuran kailanman.
Titik: Ipi. na kay Robert Keen, mga 1787
Himig: Ipi. na kay J. Ellis, mga 1889