1. Dakilang karunungan at pag-ibig,
Sa kalangita’y naghari
At ’sinugo ang Tagapagligtas
Upang magdusa’t masawi.
2. Ibinuhos N’ya ang sariling dugo,
Buhay N’ya ay isinuko:
Ang walang salang alay sa tao
Upang iligtas ang mundo.
3. Si Jesucristo ang S’yang nagtagumpay
Sa dakila N’yang pagsunod.
“Nais N’yo, O Diyos, ang tutupdin ko,”
Buong buhay S’yang naglingkod.
4. Namuno S’ya at landas ay ’tinuro,
Lahat ng bagay ay tungo
Sa liwanag at kawalang-hanggan
Doon sa l’walhati ng Diyos.
5. Bilang alaala ng Kanyang laman,
Tinapay ay tinatanggap.
Tubig ay saksi na sa ’ting puso
Tiwala kay Cristo’y ganap.
6. Dakila, mal’walhati’t sadyang ganap:
Hangaring tayo’y matubos.
Pag-ibig, awa at katarungan
Ay nagtutugma nang lubos.
Titik: Eliza R. Snow, 1804–1887
Himig: Thomas McIntyre, 1833–1914