1. Israel, Diyos ay tumatawag,
Tumatawag sa inyo.
Pagguho ng Babilonia
Ay kagustuhan ng Diyos.
Sa Sion ay magsitungo
At doo’y ligtas kayo.
Sa Sion ay magsitungo
At doo’y ligtas kayo.
2. Israel, Diyos ay nagwiwika,
Pakinggan at sundin S’ya.
Mayro’ng magandang umaga
Sa liping pinili N’ya.
Sa Sion ay magsitungo
At doon ay magsaya.
Sa Sion ay magsitungo
At doon ay magsaya.
3. Israel, masdan: mga anghel
Sa langit nagmumula;
Kanilang kapangyarihan,
Sa tao’y ’ginawad na.
Sa Sion ay magsitungo Ang
Diyos ay daratal na. Sa
Sa Sion ay magsitungo
Ang Diyos ay darating na.
4. Israel, ba’t mananatili
Sa inyong kamalian?
Ang mga nagpapaliban
Ang maparurusahan
Sa Sion ay magsitungo
Sion ay magpupuri.
Sa Sion ay magsitungo
Sion ay magpupuri.
Titik: Richard Smyth, 1838–1914
Himig: Charles C. Converse, 1832–1918