Munting Bayan ng Betlehem
1. Munting bayan ng Betlehem, Payapa’t mahimbing, Habang ika’y umiidlip, Tala’y nagniningning. ’Sinilang ang liwanag Sa ’yong kadiliman. Ang pag-asa at pangamba Ngayo’y makakamtan.
2. Si Cristo ay isinilang, At sa kalangitan, Tumatanod mga anghel Upang S’ya’y bantayan. O tala ng umaga, Balita’y itanghal, Purihin n’yo ang Haring Diyos Nating minamahal.
3. Kay tahimik na inalay Ang dakilang handog! Biyaya ng kalangitan, Diyos ang nagkaloob. Sa daigdig ng sala, ’Di man S’ya tanggapin, Sa pusong mapagkumbaba Si Cristo’y darating.
Titik: Phillips Brooks, 1835–1893
Himig: Lewis H. Redner, 1831–1908
Titik: Phillips Brooks, 1835–1893
Himig: Lewis H. Redner, 1831–1908