1. Wikang banal ng pag-ibig
At katotohanan,
Gabay natin, mula sa Diyos,
Tungong kalangitan.
Wika ng pag-ibig
Ng Diyos na nasa langit,
O kay tamis na marinig,
Ang wika ng pag-ibig.
2. Tinuran ng Apostoles
Na’ting ’ginagalang;
Sila sa’ti’y nagtuturo
Ng pagmamahalan.
Wika ng pag-ibig
Ng Diyos na nasa langit,
O kay tamis na marinig,
Ang wika ng pag-ibig.
3. Propeta ang nagbibigay,
Payo ng Diyos sa ’tin.
Sala na-ti’y ’tinatatwa,
Buti’y pinupuri.
Wika ng pag-ibig
Ng Diyos na nasa langit,
O kay tamis na marinig,
Ang wika ng pag-ibig.
4. Sa bawat taong hinirang
Na nagsasalita;
Espiritu ang s’yang gabay,
Hatid ay biyaya
Wika ng pag-ibig
Ng Diyos na nasa langit,
O kay tamis na marinig,
Ang wika ng pag-ibig.
5. Tila hiyas, kumikinang,
Puspos karunungan;
Wikang banal ng pag-ibig,
Sundin kailan pa man.
Wika ng pag-ibig
Ng Diyos na nasa langit,
O kay tamis na marinig,
Ang wika ng pag-ibig.
Titik: Joseph L. Townsend, 1849–1942
Himig: Edwin F. Parry, 1850–1935