1. Panginoo’y Hari!
Magdiwang, sumamba!
Tao’y magpuri at
Magtagumpay t’wina.
Magdiwang ka! Umawit ka!
Muli nga ay magdiwang pa!
Magdiwang ka! Umawit ka!
Muli nga ay magdiwang pa!
2. S’ya ay maghahari,
Diyos ng pagmamahal.
Nang tayo’y matubos,
’Tinanghal S’yang banal.
Magdiwang ka! Umawit ka!
Muli nga ay magdiwang pa!
Magdiwang ka! Umawit ka!
Muli nga ay magdiwang pa!
3. Hindi magugunaw
Kanyang kaharian.
Napagtagumpayan
N’ya ang kamatayan.
Magdiwang ka! Umawit ka!
Muli nga ay magdiwang pa!
Magdiwang ka! Umawit ka!
Muli nga ay magdiwang pa!
Titik: Charles Wesley, 1707–1788
Himig: Horatio Parker, 1863–1919