1. Mapitagan at aba,
Ulo mo ay iyuko na.
Ako ay gunitain,
At ang aking gawain.
Pagbuhos ng aking dugo,
Pawis ng pagdurusa ko,
Sa aking pagkapako,
Ikaw ay tinubos ko.
2. Sa tinapay na ito,
Sagisag ng katawan ko,
Sa tubig, isipin mo
Ang sagrado kong dugo.
Tandaan mo ang ginawa
Nang maligtas ang may sala.
Do’n sa krus sa Kalbaryo
Namatay para sa ’yo.
3. Puso mo’y payapain,
Kapwa mo ay ’yong mahalin.
Magpatawad sa kapwa
Upang mapatawad ka.
Sa iyong panalangin,
Pangamba’y isambit sa ’kin.
At aking Espiritu,
Bibiyaya sa iyo.
4. Sa langit, sumasamo,
Namamagitan sa inyo.
Minahal kitang tunay,
Walang hangga’t dalisay.
Ako ay lagi mong sundin,
Mag-ingat ka’t manalangin;
Sa ’kin ay maging tapat
Nang ikaw ay maligtas.
Titik: Joseph L. Townsend, 1849–1942
Himig: Ebenezer Beesley, 1840–1906