1. Kay Nephi may ’pinakita
Ang ating Diyos Ama,
Kanyang banal na salita
Sa bakal na gabay.
Tayo’y humawak nang husto
Sa bakal na gabay.
Ito ay ang salita ng Diyos,
Gabay sa ’ting buhay.
2. Habang tayo’y nabubuhay,
Tukso’y naglipana,
Maulap na kadiliman,
Panganib ang dala.
Tayo’y humawak nang husto
Sa bakal na gabay.
Ito ay ang salita ng Diyos,
Gabay sa ’ting buhay.
3. At kung tukso’y nakaabang,
Landas ay kay dilim,
Gabay na bakal, asahan,
Sa Diyos manalangin.
Tayo’y humawak nang husto
Sa bakal na gabay.
Ito ay ang salita ng Diyos,
Gabay sa ’ting buhay.
4. Araw-araw na susundan
Ang bakal na gabay,
May awit at panalangin,
Tayong maglalakbay.
Tayo’y humawak nang husto
Sa bakal na gabay.
Ito ay ang salita ng Diyos,
Gabay sa ’ting buhay.
5. Patutunguhan ay tanaw,
Bakal ang s’yang gabay;
Sa langit magpakailanman,
Ay mananahanan.
Tayo’y humawak nang husto
Sa bakal na gabay.
Ito ay ang salita ng Diyos,
Gabay sa ’ting buhay.
Titik: Joseph L. Townsend, 1849–1942
Himig: William Clayson, 1840–1887