Musika mula sa Liahona (1998–2020) (1998–2020),
Apr 2010, p. 62
Magsisunod Kayo sa Akin (Pinasimple)
Magsisunod Kayo sa Akin (Pinasimple)
1. “Magsisunod kayo sa ‘kin,”
Ang wika ni Cristo sa ‘tin,
Upang tayo’y makiisa
Sa Bugtong ng ating Ama.
2. “Magsisunod kayo sa ‘kin,”
Simpleng turan, at taimtim
Dito’y ang katotohanang
S’yang pupukaw sa isipan.
3. Sapat na bang malaman lang
Na dito’y dapat S’yang sundan
Habang tayo’y nabubuhay?
Hindi, hanggang sa langit man.
4. ‘Di lamang dito susundin,
Halimbawang alay sa ‘tin,
Kundi kahit naroon na
At sa langit kapiling S’ya.
5. Landas N’ya ay tatahakin
Sa paglawak ng tanawin,
At sundan S’ya walang hanggan,
Anuman ang katayuan.
6. L’walhati’t kapangyarihan
At ligaya’y makakamtan
Kung tawag N’ya ay susundin,
“Magsisunod kayo sa ‘kin.”
Titik: John Nicholson, 1839-1909
Himig: Samuel McBurney, 1847-1909
Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa isahan, hindi pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.
Titik: John Nicholson, 1839-1909
Himig: Samuel McBurney, 1847-1909
Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa isahan, hindi pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.