Auto-scroll is most reliable with MIDI (computer-generated) audio.
Practice
Loading…
Tayo’y Magalak
1. Tayo’y magalak sa araw ng kaligtasan;Hindi na mananatiling dayuhan.May mabuting balita sa sandaigdiganAt nalalapit na, oras ng pagtubos,Kapag ang pangako ay maibigay naAt mga Banal ’di na mangangamba,At mundo’y magiging hardin tulad ng Eden,Si Cristo’y sasambit, “Halina’t magbalik.”
2. Tayo’y magmamahalan, wala nang alitan,Magkakaisa’t sala’y tatalikdan.At kapag makasalana’y nahintakutan,Ating hihintayin, pagdating ni Jesus,Kapag ang pangako ay maibigay naAt mga Banal ’di na mangangamba,At mundo’y magiging hardin tulad ng Eden,Si Cristo’y sasambit, “Halina’t magbalik.”
3. Mananampalataya tayo kay JehovaNa ating patnubay sa pagdurusa.At paglipas ng ani’t parusa’y matapos,Tayo’y magbabangon, pagdating ni Jesus.At bawat pangako’y maibibigay na,Lahat ng Banal ay pararangalanAt mundo’y magiging hardin tulad ng Eden,Si Cristo at tayo ay magkakaisa.