Auto-scroll is most reliable with MIDI (computer-generated) audio.
Practice
Loading…
Salamat, O Diyos, sa Aming Propeta
1. Salamat, O Diyos, sa aming propeta;Sa huling araw patnubay S’ya.Salamat sa gawad N’yong ebanghelyo,Na s’yang aming liwanag dito.Salamat sa bawat biyaya,Na saganang gawad N’yo t’wina.Kasiyahan naming maglingkodAt sa utos N’yo ay sumunod.
2. T’wing kami rito ay nababagabag,At sadyang kaygulo ng lahat,Kami ay may pag-asang nakikita,Dahil paglaya’y malapit na.Sa Diyos ay walang alinlangan;Subok ang Kanyang kabutihan.At ang lumalaban sa SionAy malulupig din sa wakas.
3. Kabutihan N’ya’y ating aawitin;Gabi’t araw S’yang pupurihin.Tayo ay magdiwang sa ebanghelyo,At lumagi sa tanglaw nito.Sa walang hanggang kaganapanAng tungo ng mga matapat.Silang tumanggi sa mensahe,Ang ligaya’y di matatanggap.