1. Kailangan ko Kayo,
    Panginoon.
    Banayad N’yong tinig,
    Kay hinahon.
  
  
    Kayo’y aking kailangan,
    Sa t’wina’y kailangan!
    Ako ay pagpalain
    At pakinggan!
  
 
  
    2. Kailangan ko Kayo,
    Gabayan po.
    Tukso ay lalayo
    Paglapit N’yo.
  
  
    Kayo’y aking kailangan,
    Sa t’wina’y kailangan!
    Ako ay pagpalain
    At pakinggan!
  
 
  
    3. Kailangan ko Kayo,
    T’wing may sakit.
    Kapag wala, buhay
    Ay kaypait.
  
  
    Kayo’y aking kailangan,
    Sa t’wina’y kailangan!
    Ako ay pagpalain
    At pakinggan!
  
 
  
    4. Kailangan ko Kayo
    Haring banal.
    Ako’y gawing Inyo,
    Bugtong ng Diyos.
    
  
  
    Kayo’y aking kailangan,
    Sa t’wina’y kailangan!
    Ako ay pagpalain
    At pakinggan!
  
 
                   
                  
                  
                
                
                
                  Titik: Annie S. Hawks, 1835–1918
Himig: Robert Lowry, 1826–1899