1. Sa Inyo, aking Diyos,
    Lumalapit!
    Kahit na buhay ko’y
    May pasakit.
    Patuloy ang awit
    Habang papalapit;
    Sa Inyo, aking Diyos,
    Lumalapit.
  
 
  
    2. Katulad ng Isang
    Manlalakbay,
    Kadiliman dito
    Ang karamay.
    Sa ’king panaginip,
    Sa Inyo’y lalapit;
    Sa Inyo, aking Diyos,
    Lumalapit!
  
 
  
    3. Landas tungong langit,
    Sana’y kamtin
    Sa awa ang lahat,
    O Diyos namin.
    Sa tulong ng langit,
    Sa Inyo’y lalapit;
    Sa Inyo, aking Diyos,
    Lumalapit.
  
 
  
    4. At sa paggising ko’y
    Magpupuri,
    Alay ang buhay ko,
    Kahit sawi.
    Sa ’kin mang pighati,
    Langit N’yo ang mithi;
    Sa Inyo, aking Diyos,
    Lumalapit.
  
 
  
    5. Kung buhay sa mundo’y
    Magwawakas,
    At tungo sa Inyo’ng
    Aking landas,
    Patuloy na ako
    Sa Inyo’y aawit;
    Sa Inyo, aking Diyos,
    Lumalapit.
    
  
 
                   
                  
                  
                
                
                
                  Titik: Sarah F. Adams, 1805–1848
Himig: Lowell Mason, 1792–1872