Number 77
Ang Manunubos Ko’y Buhay
Ang Manunubos Ko’y Buhay
1. Ang Manunubos ko’y buhay,
Anak ng Diyos, matagumpay,
Sa kamataya’y nagwagi,
Panginoon ko at Hari.
2. Buhay ang tangi kong lakas,
Maaasahan S’yang wagas,
Sa tamang landas, S’ya’y gabay,
Ilaw sa kabilang buhay.
3. Igawad ang Espiritu,
Kapayapaang handog N’yo.
At ang tiwalang masundan,
Landas sa kawalang-hanggan.
Titik: Gordon B. Hinckley, 1910–2008. © 1985 IRI
Himig: G. Homer Durham, 1911–1985. © 1985 IRI