Number 86
Dalanging Taimtim
Dalanging Taimtim
1. May’ro’ng oras na payapa,
Malaya sa hapis;
Ito’y t’wing lalapit sa Diyos
Upang manalangin
Puso ko’y magdarasal,
Taimtim bawat araw,
Nang sa ’king panalangin,
Langit ay makapiling.
2. Daang makitid at mat’wid
Patungo sa langit,
Mahahanap kung palagi
Ang pananalangin
Puso ko’y magdarasal,
Taimtim bawat araw,
Nang sa ’king panalangin,
Langit ay makapiling.
3. Sa gitna ng suliranin,
Buhay na kay gulo,
Kaygandang malamang dinig
Ang panalangin ko.
Puso ko’y magdarasal,
Taimtim bawat araw,
Nang sa ’king panalangin,
Langit ay makapiling.
4. Kung kayrami ng balakid
Ng kalaban sa ’kin,
Tatawag kay Jesucristo
Sa ’king panalangin.
Puso ko’y magdarasal,
Taimtim bawat araw,
Nang sa ’king panalangin,
Langit ay makapiling.
Titik at himig: Hans Henry Petersen, 1835–1909