Number 144
Gawin ang Tama
Gawin ang Tama
1. Tama’y gawin, pagsikat ng araw,Dulot ay kalayaa’t liwanag.Mga anghel sa langit, tumatanod;Sa bawat kilos, gawin ang tama.
Tama’y gawin, ang bunga’y makikita;Ang kalayaan ay ipaglaban.May tapang na harapin ang umaga;Diyos ang tutulong, gawin ang tama.
2. Tama’y gawin, hadlang napapalis,Tanikala ay wala nang bisa.Kaligayaha’y dulot ng pag-asa;Katotohana’y sumusulong na.
Tama’y gawin, ang bunga’y makikita;Ang kalayaan ay ipaglaban.May tapang na harapin ang umaga;Diyos ang tutulong, gawin ang tama.
3. Tama’y gawin, manampalataya:Magpunyagi, layuni’y tanaw na.Mga luha sa mata’y papawiinAt pagpapala’y iyong kakamtin.
Tama’y gawin, ang bunga’y makikita;Ang kalayaan ay ipaglaban.May tapang na harapin ang umaga;Diyos ang tutulong, gawin ang tama.
Titik: Di-kil., The Psalms of Life, Boston, 1857
Himig: George Kaillmark, 1781–1835