1. Minsan isang angel,
Sa langit nagmula;
Sa lupa’y bumaba,
At ang kanyang wika:
Do’n sa burol ng Cumorah,
Banal na talaa’y naro’n pa.
Do’n sa burol ng Cumorah,
Banal na talaa’y naro’n pa.
2. Tinago’t tinapos
Ni Moroni noon;
Hinintay ang utos
Nang maihantad ngayon;
Upang muli ay marinig,
Paghari ni Cristo’y hatid.
Upang muli ay marinig,
Paghari ni Cristo’y hatid.
3. Tungkol s’ya sa lahi
Ng propetang Joseph,
Tungkol din sa labi
Ng naglahong lipi.
Kabuuang ebanghelyo
Ang inihahayag nito.
Kabuuang ebanghelyo
Ang inihahayag nito.
4. Ganap na ng panahon,
Ang araw na hintay;
Lahat ay sumunod,
Dilim ay iwanan.
Sa daigdig, iwagayway,
L’walhati’t ilaw na taglay.
Sa daigdig, iwagayway,
L’walhati’t ilaw na taglay.
5. Ngayon na ng simula,
Gawaing pagtipon.
Israel, Jerusalem
Mu-ling magbabangon.
Habang Sion, nagniningning,
Liwanag sa mundo y dalhin.
Habang Sion, nagniningning,
Liwanag sa mundo y dalhin.
Titik: Parley P. Pratt, 1807–1857
Himig: John E. Tullidge, 1806–1873