1. Masdan! Hukbong kaygiting,
May bandila’t armas,
Patungo sa digmaan,
May tapang at lakas.
At ang mga sundalo
Ay nagkakaisa;
Sa pagsunod kay Cristo
Ay umaawit pa:
Tagumpay, tagumpay
Sa ating Manunubos!
Tagumpay, tagumpay
Kay Cristong ating Diyos!
Tagumpay, tagumpay, tagumpay
Kay Cristong ating Diyos!
2. Pagsugod ng kalaban,
Hukbo’y sasalubong,
Tapang nila’y kaytibay,
Sila’y ’di uurong.
Pinuno’y tumatawag,
“Kayo ay manalig!”
At sa hudyat N’ya, awit
Nila’y maririnig:
Tagumpay, tagumpay
Sa ating Manunubos!
Tagumpay, tagumpay
Kay Cristong ating Diyos!
Tagumpay, tagumpay, tagumpay
Kay Cristong ating Diyos!
3. Pagtapos ng digmaan,
Pati ng alitan,
At ang lahat, natipon
Sa kapayapaan;
Sa paanan ng Hari,
Ang hukbong kayrami,
Ngalan N’ya’y aawitan
Ng himig papuri:
Tagumpay, tagumpay
Sa ating Manunubos!
Tagumpay, tagumpay
Kay Cristong ating Diyos!
Tagumpay, tagumpay, tagumpay
Kay Cristong ating Diyos!
Titik: Fanny J. Crosby, 1820–1915
Himig: Adam Geibel, 1855–1933