1. Kung ang buhay mo’y puspos ng pighati,
Kawalang pag-asa ay naghahari,
Mga pagpapala ay bilangin mo;
Mamamangha ka sa kaloob sa ’yo.
Pagpapala ay
bilangin mo,
Mga kaloob
ng Diyos sa ’yo.
Kilalanin
ang bawat isa,
Mga pagpapalang
kaloob sa ’yo.
2. Pag-aalala ba ay nadarama?
Kaybigat na ba ng ’yong dinadala?
Mga pagpapala ay bilangin mo;
At mapapawi ang alinlangan mo.
Pagpapala ay
bilangin mo,
Mga kaloob
ng Diyos sa ’yo.
Kilalanin
ang bawat isa,
Mga pagpapalang
kaloob sa ’yo.
3. Kung iba’y makitang may kayamanan,
Pangako ni Cristo sa iyo’y tingnan.
Mga pagpapala ay bilangin mo;
’Di mabibilang ang gantimpala mo.
Pagpapala ay
bilangin mo,
Mga kaloob
ng Diyos sa ’yo.
Kilalanin
ang bawat isa,
Mga pagpapalang
kaloob sa ’yo.
4. Sa munti ma’t malaking suliranin,
H’wag manghihina, ang Diyos ay nasa ’tin.
Mga pagpapala ay bilangin mo;
Anghel sa langit ang s’yang karamay mo.
Pagpapala ay
bilangin mo,
Mga kaloob
ng Diyos sa ’yo.
Kilalanin
ang bawat isa,
Mga pagpapalang
kaloob sa ’yo.
Titik: Johnson Oatman Jr., 1856–1922
Himig: Edwin O. Excell, 1851–1921