1. Sagradong himig ay awitin
Sa pagsapit ng Pangilin,
Upang ang ao-y maginhawahan,
At ang Diyos ay mapasalamatan
Sa mga biyaya N’yang hatid,
Sa mga biyaya N’yang hatid.
2. O araw na limot ang lumbay—
Ang walang hangganang buhay
Ay pagsikapan nating makamit,
At sa sakramento ay makibahagi
Bilang pagalala sa ’ting Diyos,
Bilang pagalala sa ’ting Diyos.
3. O kaygandang dinggin ng himig
Habang ang handog na hatid
Ay pusong habag at lumuluha,
Bilang pagpapakasakit nating kusa
Bunga ng Kanyang pagmamahal,
Bunga ng Kanyang pagmamahal.
4. O kay banal ng Panginoon,
Wika N’ya’y nakalulugod.
Ika’y magsisi upang mabuhay,
Ga’no mang lubha ng ’yong pagkakasala,
Magsisi’t magpapatawad S’ya,
Magsisi’t magpapatawad S’ya.
Titik: William W. Phelps, 1792–1872
Himig: Thomas C. Griggs, 1845–1903.