1. Tayo nang mag-usap nang marahan
Sa bahay o kahit saan;
Gaya ng mga ibon sa puno,
Kay inam nitong pakinggan.
Pusong may lumbay liligaya,
Dulot ay tapang at sigla.
At kung ulap ay makulimlim,
Pag-ibig ay paratingin.
Marahang salita ay nagpapasaya,
Liwanag ang laging dala.
Tayo nang mag-usap nang marahan,
Kay-inam nitong pakinggan.
2. Gaya ng pagsapit ng umaga,
Diwa’y gigising sasaya;
Ang bulong ng bukal na maaya,
Indayog n’ya ay kayganda.
Kaya’t marahang pag-usapan
Ang ating pagkakaibigan,
Nang puso sa puso’y magdiwang
Bilang tunay na kaibigan.
Marahang salita ay nagpapasaya,
Liwanag ang laging dala.
Tayo nang mag-usap nang marahan,
Kay-inam nitong pakinggan.