1. Panalangi’y mithiing tunay
Ng ating kalul’wa,
Binibigkas man o sa puso mo ay taglay,
Nag-aalab sa t’wina.
2. Panalangi’y buntong-hininga,
Pagtulo ng luha.
Ang pataas na pagsulyap sa kalangitan
’Pag Diyos ang s’yang kasama.
3. Panalangin ang unang wika
Na sambit ng paslit.
Panalangi’y kaytamis at anong dakila
Na aabot sa langit.
4. Ang panalangin ang hininga
Ng bawat Krist’yano.
Huling himakas n’ya sa may huling hantungan,
Kung sa’n langit ang tungo.
5. Panalangi’y tinig ng tao
Na dati’y may sala.
Ang mga anghel, nagdiriwang, umaawit,
’Pagkat nagsisisi s’ya.
6. Sa dalangin, ang mga Banal
Ay nagkakaisa
Sa isip, wika at gawa, habang kapiling
Ng Diyos Anak at Ama.
7. Dalangi’y ’di lamang sa mundo,
Mayro’ng sumasamo.
Espiritu Santo, maging si Jesucristo,
Nagtatanggol sa tao.
8. Katotohanan, Buhay, Daan,
At Bugtong ng Ama,
Landas ng dalangin, Inyong tinahak minsan,
Ako’y turuan t’wina.
Titik: James Montgomery, 1771–1854
Himig: George Careless, 1839–1932