1. Araw, sumisikat, mundo’y gumigising,
Ulap ng kadilima’y napaparam.
Sa bawat ibayo, mundo’y maligaya,
Sinasalubong, araw na kayganda.
O araw na maginhawa,
Pagsikat mo’ng aming nasa.
Purihin ang liwanag mo,
O umaga ng milenyo.
2. Mga banal ay magtitipon sa templo
Upang iligtas ang mga yumao.
Maligayang mga kaibiga’y makita’t
Makapiling sa araw na kayganda.
O araw na maginhawa,
Pagsikat mo’ng aming nasa.
Purihin ang liwanag mo,
O umaga ng milenyo.
3. Laging isabuhay ang aral na tunay,
Laan ng Diyos para sa ’ting paglakbay.
At O kayligaya! Ating makikita
Si Cristong Diyos sa araw na kayganda.
O araw na maginhawa,
Pagsikat mo’ng aming nasa.
Purihin ang liwanag mo,
O umaga ng milenyo.
4. Ating samahan ay banal at dalisay,
At sa piling ni Cristo’y mamumuhay.
Hanggang bawat bayan ay ating kasamang
Magpupuri sa araw na kayganda.
O araw na maginhawa,
Pagsikat mo’ng aming nasa.
Purihin ang liwanag mo,
O umaga ng milenyo.
Titik: Joseph L. Townsend, 1849–1942
Himig: William Clayson, 1840–1887